bata pa lang ako pangarap ko ng magsulat..pero ewan ko ba,nafefeel ko na gusto kong maging writer yet engineering ang kinuha kong course ngayong college?weeirdo noh?ganyan tlaga..maambisyon ako eh!
feeling mathematician?hehe..
I must admit na Frustrated Masscom student ako, pero nandito ako sa mundo ng numero! mahabang istorya pero kung hindi dahil dun hindi ko mararanasan ang buhay EQUations, Kuryente, at SOftwares!
ang labo noh?napamahal na kasi ata ako sa Eng'g.. nung una binalak kong magshift kasi nga di ako nageenjoy sa mga math subjects ko.. i'm not good in algebra ( kasalanan ko toh at ng teachers ko?..haha..) kaya ganun na lang yung foundation ko sa sa math, WEAK!
Bagamat puro pahirap at pasakit ang aking naranasan dahil sa ambisyon kong maging First engineer sa Clan namin, marami pa rin akong narealized at natutunan!
Sa loob ng dalawang taon ko dito sa PUP, Natutunan ko kung pano mag-adjust sa bagong environment ko. magulo,puro rallies, puro squatters, maingay at kung ano-ano pa ang pumapasok sa isip ng bawat estudyante kapag naririnig ang pangalan ng sintang paaralang pinapasukan ko..but who cares?.,kami ata ang magulong 12 pesos per unit lang na unibersidad at maingay na sensitibong mamamayan dito sa pinas.
Sa loob ng dalawang taon ko dito sa PUP, Natutunan ang mga aral ng buhay. Ang tunay na mag-aaral ay hindi nasusukat kung gaano kaintelihente ito sa pag-aaral ng kanyang mga akademya bagkus nasusukat kung paano ito gumalaw,mag-react, at kumilos sa mga di kaaya-ayang pangyayari sa lipunan. We're not just here to learn, nandito tayo para i-apply ang mga natutunan natin sa loob ng 6 na taon sa elementarya at 4 na taon sa sekondarya!
Sa loob ng dalawang taon ko dito sa PUP, Natutunan ko at ng akinng mga kaklsase kung pano mandaya ng bonggang-bongga sa exams kahit halos walang tulog kakareview (kailangan kaci,unpredictable yung exams). Natutunan namin kung paano mag-enroll ng dalawang araw dahil sa haba ng pila. Natutunan namin kung paano magnakaw na upuna sa ibang floors para lang may ma-upuan kami pag exams (malas mo pag wala kang upuan sa lapag ka mag-eexam). Natutunan namin kung paano pagkasyahin ang 20 pesos sa lunch( kelangan with rice lagi). Natutunan namin kung paano manghabol ng professors sa kuhaan ng klasscards. At worst, Natutunan namin kung paano mandaya ng klaskards para di kami matanggal sa skolarhips.
Sa Loob ng dalawang taon ko dito sa PUP, marami kaming natutunan pero bukod pa doon marami kaming naipong kodigo dahil sa sobrang hirap na exams..
I know that I still have 3 more years here in PUP and it's something to celebrate,for we will still have the company that i and my collegaues had established..
CHEER GUYS!- I may not surppased this fucking 4 semesters if not for you!
Little by little, I started to love COmputer engineering and PUP..
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment